Kapit Lang (feat. Loonie)
CUCAY Pagdilao
The easy, fast & fun way to learn how to sing: 30DaySinger.com
Titig laging pailalim Aking galit nakatanim sa'king awit Nangangawit kakakapit sa patalim Mga ganid na nanggamit hala lapit ng maatim May sasapit na malagim Mga hapit, mga sakim May mga bagay na hindi mo mawari Hindi mo masabi kung ba't nagkaganyan Dahil ang oras ay hindi mo pagaari Lahat ng bagay ay may hanggan, kaya Kapit, kapit ka lang Konting tiis nalang Sisikat ang araw may dalang liwanag Lagi mong tatandaan Kapit ka lang, konting tiis nalang Hindi ba mundo mo'y umiikot lang naman? Panahon ay sadyang mapaglaro parati Walang pasabi, ika'y nililinlang Minsan akala mo ikaw ay nakatali Ika'y binabali, ngunit ika'y pinatatag lang, Kaya Kapit, kapit ka lang Konting tiis nalang Sisikat ang araw may dalang liwanag Lagi mong tatandaan Kapit ka lang, konting tiis nalang Hindi ba mundo mo'y umiikot lang naman? Kung nabasa ka sa ulan ba't sumisilong ka pa? Aba lusungin mo na yang baha, maligo ka na Nasaktan ka na rin lang, nalasap ang luhang mapait Siguraduhin mong ika'y makukuhang kapalit Pantay pantay tayong lahat mayaman man maging dukha Ang mahalaga marami kang butong naipunla Kung gusto mo ng umayaw pakinggan mo aking tula at tandaan mo lang palagi kung ba't ka nagsimula Pagsikapang itaguyod ang sariling pundasyon Tigas ng ulo mo nung bata ka gamitin mo ngayon Bukas ko nalang susukuan ang buhay kong kay lupit Tapos kinabukasan paggising bukas nalang ulit Ang aking pusong umaawit punong puno ng galit Laging ganon, daming tanong, puro nalang bakit Malapit ng maubos ang lubid ko subalit maaari ko pa ring buhulin ang dulo at kumapit Kapit ka lang Konting tiis nalang Di ba mundo mo'y umiikot? Kapit, kapit ka lang Konting tiis nalang Sisikat ang araw may dalang liwanag Lagi mong tatandaan Kapit ka lang, konting tiis nalang Hindi ba mundo mo'y umiikot lang naman? (Titig laging pailalim Aking galit nakatanim sa'king awit Nangangawit kakakapit sa patalim Mga ganid na nanggamit hala lapit ng maatim May sasapit na malagim Mga hapit, mga sakim) Kapit ka lang Konting tiis nalang Hindi ba mundo mo'y umiikot?
The easy, fast & fun way to learn how to sing: 30DaySinger.com
Citation
Use the citation below to add these lyrics to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Kapit Lang (feat. Loonie) Lyrics." Lyrics.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 24 Sep. 2024. <https://www.lyrics.com/lyric-lf/3863540/CUCAY+Pagdilao/Kapit+Lang+%28feat.+Loonie%29>.
Discuss the Kapit Lang (feat. Loonie) Lyrics with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In