Puti at Itim (feat. Kai Paredes & LÉO)
Cmrd$
Become A Better Singer In Only 30 Days, With Easy Video Lessons!
Pagiging iba wag damdamin Talento yan na dapat kamkamin Usok ng mapanghusga wag langhapin Tuloy lang ang gusto kahit di ka tanggapin Namimintas sayong mga mali Matutong magtaingang kawali Tuksong mapanakit magbalat kalabaw Magmalalim ng di maabot ng batong mababaw Wag sundin gawain ng matsing Di dahil pareho ay magkasing Pedeng magkatama kahit di lasing Okay lang magkamali wag kang praning Di porke naka salamin matalino Di rin lahat ng mahinhin ay matino Sadyang marameng mapagbalat kayo Nasa loob ng aparador tinatago ang anyo Mag-ingat ingat sa taong mapanlinlang Enkantong nagkukunwaring nilalang Pekeng alahas pero kumikinang Totoong kaibigan ngunit bilang lang Di bale ng konte basta tunay Kesa hunyango nagpapalit ng kulay Baka nga ganun talaga ang buhay Saka ka lang mapapansin pagnakitaan ng husay Punggok na palito anong pinagkaiba Sa dambuhalang walang silbi tangina Kung sino pang may kaya sila pa mapanamantala Huwag kang magpakabig iho lumaban ka Wala mahirap mayaman sa may likha Huwag tignan sarili na maging dukha Tensyon sa sarili huwag nang ipamukha Ayusin ang buhay huwag magpabanta Wala mahirap mayaman sa may lalang Huwag nila-lang ang ibang nilalang Dahil kung sino pa ang mukhang walang alam Sila pa talagang utak na may laman Katalinuhan wala naman sa panlabas na alimuom Ito parin mananatiling ideya sa dantaon Dahi wala naman talagang tamang opinyon Sarili dapat ang batayan at maging lupon Huwag magpabili iwasan magkunwari Taas noo iwasan magatubili Masamang karanasan dapat itawid Balang araw may dating na bahaghari sating salinlahi Puti at itim ay magkapatid sabi nga nila Kung ano ang kulang ay dapat punan ng isa Huwag pilitin na maging eksperto Dahil ka diyos para manghusga ng ibang tao Bakit nga ba tayo'y nagtatalo Kung bunga rin tayo ng iisang puno Matuto tayong rumespeto't maghintay Tandaan hindi ka dapat magpalatay Wag hayaang kapwa ay maghikahos Magmahal ng lubos at ipahaplos Habaan ang pisi wag hayaang maubos Gawin ang nais sa'yong adhikain dapat ibuhos Wag kang matakot na maging iba Dahil sa mata nya tayo ay iisa
The easy, fast & fun way to learn how to sing: 30DaySinger.com
Written by: Ralph Christian Cruz, Vhyle Christian Paredes
Lyrics © DistroKid
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
Citation
Use the citation below to add these lyrics to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Puti at Itim (feat. Kai Paredes & LÉO) Lyrics." Lyrics.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 30 Apr. 2024. <https://www.lyrics.com/lyric-lf/3641539/Cmrd%24/Puti+at+Itim+%28feat.+Kai+Paredes+%26+L%C3%89O%29>.
Discuss the Puti at Itim (feat. Kai Paredes & LÉO) Lyrics with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In