Tagumpay (feat. Tahjack, MARCO POLO, Yelshawn & JA)

Rappers With Respect

0 fans

Rappers With Respect


7:10

 Watch: New Singing Lesson Videos Can Make Anyone A Great Singer

Tuloy lang, wag munang pepreno
Umayon ang lahat sa plano
Inisip namin kung paano namin maisisigaw
Ang tagumpay namin, kalapit na at tanaw
Oh-ohohoh-ohohoh! Kung isa ka sa sumuporta
Hey-yeah-yeah! Sa paglipad namin kasama ka!

Nagsimula ako sa wala, sipag lang ang puhunan
Na may kasama ngang tiyaga
Mga salita nila'y di ko ininda, wala naman kasi ako
Sa kanilang mapapala
Kahit na may nanghila, hindi ako nanghina
Mas lalo pang nagpursigi, mas lalo pang sumigla
Di nawalan ng pag-asa, hanggang sa aking tinamasa
Ang tinanim kong binhi na ngayo'y inaani ko na
Ang pangarap na aking pinagsikapan
Kahit na mahirap ay akin pa ding sinubukan
Madaming balakid na sa daanang nilampasan
Hanggang sa makaukit ako ng pangalan sa'king bayan
Yeah!

Isa na namang tagumpay ang nakamit
Di basta napagod at nainip
Kung merong inggit na humatak pababa, ako'y pataas na
Parang nakaweed
Di pinansin, di ininda, ang masasakit na salita
Tumuloy lang sa paglikha ng mga kanta
Hanggang mamangha, ang aking sarili at ikaw
Na kayang kayang sumabay
Tanging kagrupo ang karamay at naging silbi na gabay
Naglakbay, naghintay, bago maabot yung tagumpay
Sige kampay! Walang humpay, mga gusto'y kinilusan lang
Dahil ginamitan ko lang ng puso, mga gusto kong gawin
Konting tiis, konting tyaga, 'yan ay maaabot mo din
Tiwala sa taas, 'yan ang sikreto sa lahat
'Yan ang sikreto kong sangkap simula'ng natutunan kong magrap

Ito ang aming tagumpay
Hey-heyeyeah! Di kami titigil sa paglalakbay

Tuloy lang, wag munang pepreno
Umayon ang lahat sa plano
Inisip namin kung paano namin maisisigaw
Ang tagumpay namin, kalapit na at tanaw
Oh-ohohoh-ohohoh! Kung isa ka sa sumuporta
Hey-yeah-yeah! Sa paglipad namin kasama ka!

Hinding-hindi magpapapigil sa aming hangarin
Walang preno, tuloy lang palagi sa lahat ng mga balakin
Kung pa'no sinimulan, mabigat man ang pasanin
Mabato man ang daanan, pilit namin 'tong tatahakin
Dala-dala ang respeto, hindi magbabago
Mapabilib lahat kami ang nasa entablado
Ganado sa tunog ng palakpakang masigabo
Liwanag ng mga ilaw, tanging sa'yo lamang na nakapako
Kalmado lang pag gumanap, laging pasado sa bawat patak
Pawis tumatagaktak, kahit mamalat, may pag-usad sa bawat yapak
'Di kami nag-alangan, bagkus lalo pang hinasa at ginalingan
Maluwag, masikip, pilit kong dinaanan
Salitang bahala ay tinalikdan

Uh! Tuloy lang sa pag-ahon, respeto laging baon
Kumilos nang maghapon, sa higa ay nagsibangon
Lahat ay nagsumikap, walang pinagpaliban
Kahit medyo mabagal ay 'di kami nagpaiwan
Napabilang, nagpakitang gilas sa bawat galaw
Pag-usad ay tuluy-tuloy at hindi umaayaw
Iisang sinisigaw, maging ako, sila, ikaw
Magtiwala sa taas, hindi ka niyan ililigaw
Hanggang ikaw ay matanaw na sing-kinang ng bituin
Dapat bitaw lang ng bitaw, sarili wag mong biguin
Wag titigil kung anoman ang hadlang na palapit
Diretso lang ang lakad upang tagumpay ay makamit

Tuloy lang, wag munang pepreno (preno)
Umayon ang lahat sa plano (plano)
Inisip namin kung paano namin maisisigaw
Ang tagumpay namin, kalapit na at tanaw
Oh-ohohoh-ohohoh! Kung isa ka sa sumuporta
Hey-yeah-yeah! Sa paglipad namin kasama ka!

Marami nang pinagdaanan, lahat ay nakayanan
Lahat ng nakaharang ay aking nilampasan
Hindi nagatubili na humakbang ako palayo
Libanin ang mataas na bakod nang sa gano'y makita ko
Ang tagumpay na matagal ko nang gustong yakapin
Pinaglaanan ng pawis at dugo'y nagbunga rin
Diretso lang ang tingin, wag na wag kang lilingon
Ipakita sa buong mundo, na ikaw naman ngayon
Kumunekta ang Roma sa Milan
Naghagis kami ng ambag papuntang Balayan
Tandaan ang bawat paghihirap ay may ginhawa na kaakibat
Kung nangalay ang kamay, ilagay mo sa balikat

Yow! Kampay! Sabay sabay natin 'to itaas
Isagad mo yung speaker, yung pinakamalakas
Panibagong palabas, manood ka lang kung paano
Magkulabo ang Batangas pati Roma at Milano
Di nagbago ang pangarap, istilo, plano pagkatao
Di na nga 'ko tumitigil sa mga ginagawa ko
Positibo lang palagi, diskarte tyaga tyaga
Tagumpay ay dumarating, 'yan ang hindi sinasadya
Hintayin mo balang araw mga tala'y bababa
Tingnan natin kung sino ba sa atin boy ang handa
Dito na'ko tumanda sa paggawa ko ng kanta
Di ako nagpaamba kahit ang daming nagtangka

Tuloy lang, wag munang pepreno (preno)
Umayon ang lahat sa plano (plano)
Inisip namin kung paano namin maisisigaw
Ang tagumpay namin, kalapit na at tanaw
Oh-ohohoh-ohohoh! Kung isa ka sa sumuporta
Hey-yeah-yeah! Sa paglipad namin kasama ka!

Its yo boy! Yelshawn! Ha-ha! Yes Sir! Uh!
Nagsipag lamang kami araw at gabi
Lahat ng diskarte basta patas, di mapatabi
Galawang kalye pero kita ko parehas na
Aral na napulot nung panahon na nasa rehas pa
Hindi basta basta tinahak na daan
Nilakad nang taas-noo, ang hamon 'di tinakbuhan
Nagtiwala sa proseso na mahirap sa primero
Dumiretso lamang sa taas hanggang sa nagkapwesto
Tinuloy ko lamang dati, mga planong umabante
Tandaan lahat ng mga guro dating estudyante
'Di kampante pero kayang umatake mag-isa
Handa 'kong makisali kung usapan lang ay musika

Do it! Do it! Do it! Do it!
Doing this kulabo with the muthafucking gang!
Balayan ay kumukonekta sa Calata-gang! Ey!
Ako nga pala si JA
Pakitanong sa mga may kilala, kung ano ang aking gameplay
Pwede tayo magsulat, hamunin mo'ko on the spot
Ang isandaang porsyento ko'y hindi masisilat
Dahil nga mabibigat sa 'di usapang magbuhat
Ang mga dulot at produkto pag ako nagsusulat
Matalo't madapa basta binigay ko ang best
Cause mahaba pa ang quest
Lipad mula sa nest, narating ko na ang west
There's a lot of definition pag sinabi mong success

Tuloy lang, wag munang pepreno (preno)
Umayon ang lahat sa plano (plano)
Inisip namin kung paano namin maisisigaw
Ang tagumpay namin, kalapit na at tanaw
Oh-ohohoh-ohohoh! Kung isa ka sa sumuporta
Hey-yeah-yeah! Sa paglipad namin kasama ka!

 The easy, fast & fun way to learn how to sing: 30DaySinger.com

Written by: JA Caparas, Jan Mico Paler, Jeremy Caraig, Khristian Panaligan, Marcopolo Apego, Mervin Flores, Raphael Panganiban, Shawn Alvarez

Lyrics © DistroKid

Lyrics Licensed & Provided by LyricFind

Discuss the Tagumpay (feat. Tahjack, MARCO POLO, Yelshawn & JA) Lyrics with the community:

0 Comments

    Citation

    Use the citation below to add these lyrics to your bibliography:

    Style:MLAChicagoAPA

    "Tagumpay (feat. Tahjack, MARCO POLO, Yelshawn & JA) Lyrics." Lyrics.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 31 May 2024. <https://www.lyrics.com/lyric-lf/11538089/Rappers+With+Respect/Tagumpay+%28feat.+Tahjack%2C+MARCO+POLO%2C+Yelshawn+%26+JA%29>.

    Missing lyrics by Rappers With Respect?

    Know any other songs by Rappers With Respect? Don't keep it to yourself!

    Browse Lyrics.com

    Quiz

    Are you a music master?

    »
    Which Bob Dylan song did Adele include on her first album?
    A Make You Feel My Love
    B Blowin' in the Wind
    C Shelter from the Storm
    D Not Dark Yet

    Free, no signup required:

    Add to Chrome

    Get instant explanation for any lyrics that hits you anywhere on the web!

    Free, no signup required:

    Add to Firefox

    Get instant explanation for any acronym or abbreviation that hits you anywhere on the web!

    Rappers With Respect tracks

    On Radio Right Now

    Loading...

    Powered by OnRad.io


    Think you know music? Test your MusicIQ here!