close

 
garyvalenciano

Natutulog Ba Ang Diyos
by Gary Valenciano



Bakit kaya … bakit ka ba naghihintay
Na himukin pa pilitin ka ng tadhana
Alam mo na kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang, nasasayang ang buhay mo
At ang ibinubulong ng ‘yong puso
Natutulog ba ang Diyos, natutulog ba

At ikaw ay … talagang sumusuko
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit ganyan nasaan ang iyong tapang
Naduduwag nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog pa
Natutulog ba ang Diyos, natutulog ba

Sikapin mo, pilitin mo
Tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas
Wag mo sanang akalaing natutulog pa ang Diyos
Ang buhay mo ay mayroong halaga sa Kanya

Dapat pa ba na ikaw ay maghintay
At himukin pa pilitin pa ng tadhana
Gawin mo na kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala sa Maykapal
Nakahanda ang Diyos umalalay sa iyo
Hinihintay ka lang kaibigan

Sikapin mo, pilitin mo
Tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas
Wag mo sanang akalaing natutulog pa ang Diyos
Ang buhay mo ay mayroong halaga sa Kanya
---
Lyrics submitted by Van.