Baka di tayo

by Yayoi

Yayoi is a Hip-Hop and Rapmusical artist.




Teka Muna, Pwedeng pakinggan mo muna
Wag mo muna ko na sabayan
Kase lalo lang lalabu ang paliwanagan
Pano pa sisimulan kung matatapos na

Masisisi mo ba kung napapagod na
Kahit na mahal kita hindi sapat na dahilan na manatili pa sa tabi mo
Kaya ko namang ilaban ka pa

Alam mo na iningatan kita
Kaso lang may hinahanap ka pa
Nagkulang pa rin
Kahit lahat any ginawa ko na

Baka di lang talaga tayong dalawa
At mas mabuting palayain na kita
Ayoko na maging lunas o maging pamunas
Ng mga luha sa mga mata

Pasensya ka na kung napapagod na sayo
(Napagod na sayo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang 
Ngayon ang sarili ko

Alam kong di kana masaya sakin
Ano pang gagawin ko
Tanggapin ko na lamang ang lahat
Kung yan ang kakatuwa mo

Buburahin ko na lamang ang
Dati nating mga plano
Na binubuo mo ngayon
Kasama ang ibang tao

Masakit sakin pero kelangan 
Tiisin ang lahat
Sige panalo ka na wag mo na
Kunh batuhin pa ng mga sumbat

Pagod na kong iangat pa
Yung sarili ko sayo
Di mo na ko dapat baguhin kung
Ako talaga yung gusto mo

Basta ako ginawa ko ang lahat
Di mo man nadama
Kahit kapalit nitoy pagpatak 
Ng luha ko sa mata

Bawat tingin ko sayo ay
Nakatitig ka sa kanya
Ngayon alam ko ng malabo
Na mga tong maisalba


Baka di lang talaga tayong dalawa
At mas mabuting palayain na kita
Ayoko na maging lunas o maging pamunas
Ng mga luha sa mga mata

Pasensya ka na kung napapagod na sayo
(Napagod na sayo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang 
Ngayon ang sarili ko

Pinipilit ko naman na
Mahing maayos ang lahat
Ngunit parang hindi pa rin
Sapat ang aking mga nagawa

Kaya tama na hindi 
Ko na kaya pa
Hindi ko na kaya pa
Hindi ko na kaya pa

Hirap lang tiisin
Alam kong wala ng pagtingin
At nawala na ang paglalambing
Kaya relasyon hirap ng sagipin

Hindi na makaya na
Dahil hindi na masaya
Di na matawag na akin ka 
Kaya palaging mag iingat ka

Written by: Elvie A. Castino

Submitted by: elviecastino on June 24, 2020

© Lyrics.com