DARATING AT AALIS

by KILOS




Ang lahat nama'y nagbabago
Nagsasabay, sumasayaw sa indak ng tadhana't panahon
Sa bawat salitang nandito
Sana'y malaman mong lahat na'y nasayo

Parang sinulat ko sa hangin ang tanong ko at dalangin
Kung di ka para sakin ay bakit di mo sabihin

Darating at aalis
Sana'y pag ikot ng bituin
Di na iyong kamay ang hahanapin
Baka sakaling
Kapag nagising na ako sa mundong to na ginusto mo
Patawarin mo sana
Kung iiwan ka na sa alaala

May mga araw parang walang nagbago
Ramdam ko na lang ang pagtulak mo palayo
Sa bawat salitang 'di nabanggit
Unti unting bumabalik at muling uulit

Tinangay na nga ng hangin ang tanong ko at dalangin
Kung di ka para sa akin ay bakit di mo sabihin?

Parang sinulat ko sa hangin ang tanong ko at dalangin
Kung di ka para sakin ay bakit di mo sabihin

Darating at aalis
Sana'y pag ikot ng bituin
Di na iyong kamay ang hahanapin
Baka sakaling
Kapag nagising na ako sa mundong to na ginusto mo
Patawarin mo sana
Kung iiwan ka na sa alaala

Sa alaala... Sa alaala

Darating at aalis
Sana'y pag ikot ng bituin 
Di na iyong kamay ang hahanapin
Baka sakaling
Kapag nagising na ako
Sa mundong to na ginuhit mo
Patawarin mo sana kung iiwan ka na sa alaala... Sa alaala

Bakit di ba tayo pwedeng tumandang magkasama? Magkasama.

Submitted by: graceden0801 on March 14, 2019

© Lyrics.com