[Verse 1] 'Di ko man magawang maipagmalaki Ang pinagmulan at aking narating May isang biyayang nagmula sa bituin 'Di mapapantayan ng anumang hangarin [Pre-Chorus] Lahat ng makakaya ay sa'yo ibibigay At lahat ng kakayanin pa, sa'yo iaalay [Chorus] Ikaw ang aking tala sa gabing madilim Ikaw ang bawat sana sa lahat ng hiling Sa hirap man o sa saya, ay tunay na ikaw pa rin Sagot sa aking dalangin [Verse 2] Ang 'yong kamay sa 'kin ay nagbigay kahulugan Lumalaban ako upang ika'y gabayan [Pre-Chorus] Lahat ng makakaya ay sa'yo ibibigay At lahat ng kakayanin pa, sa'yo iaalay [Chorus] Ikaw ang aking tala sa gabing madilim Ikaw ang bawat sana sa lahat ng hiling Sa hirap man o sa saya, ay tunay na ikaw pa rin Sagot sa aking dalangin [Bridge] Pangakong habang buhay ay hindi pakakawalan Nandito lang ako habang ika'y nariyan [Chorus] Ikaw ang aking tala sa gabing madilim Ikaw ang bawat sana sa lahat ng hiling Sa hirap man o sa saya, ay tunay na ikaw pa rin Sagot sa aking dalangin
Written by: Rina Mercado
Submitted by: michelleannreroma on November 18, 2022
© Lyrics.com