[Verse 1] 'Di naman natin maiwasan na tayo ay magkainisan Ito'y natural lamang sa magkaibigan 'Di natin binibilang, ilang beses mang magkasakitan Ito'y lilipas na lang at makakalimutan [Pre-Chorus 1] Ang mahalaga naman ay pagtanggap at pag-unawa At walang katapusang pagpapatawad [Chorus] Ang tunay na magkaibigan, nagkakaintindihan Sa isang tinginan Sa isang tinginan Matatawa o maiiyak ka na lang bigla Pero kayo lang ang nakakaalam ng istorya Na hindi na mabubura magpakailan pa man Nakatatak sa hangin ang iba't ibang Alaala, alaala [Verse2] Wala sigurong mahihigit pa 'Di na ito matutumbasan ng kahit sino man Sa buhay ko'y ikaw lamang 'Di ko kayang ako lang mag-isa Sana ay palaging kasama ka Maiba man ang panahon Lumipas man ang maraming taon [Pe-Chorus 2] Sa tuwing lubog sa putik, ikaw ang kamay na humihila Nagsisilbing lakas kapag ako ay nanghina [Chorus] Ang tunay na magkaibigan nagkakaintindihan Sa isang tinginan Sa isang tinginan Matatawa o maiiyak ka na lang bigla Pero kayo lang ang nakakaalam ng istorya Na hindi na mabubura magpakailan pa man Nakatatak sa hangin ang iba't ibang Alaala, alaala Alaala, alaala
Written by: Simon Tan
Submitted by: michelleannreroma on October 08, 2022
© Lyrics.com