[Verse 1] Nung una pa lang kita nakilala ay alam kong Kakaiba ka, 'di maihahalintulad Unti-unti naglalapit ang mga damdamin 'Di maitatanggi ugnayan ng mga puso ay iisa Sa iyo lang ito nararamdaman Hirap man intindihinn ng iba'y okay lang Nandyan palagi sa tabi ko'y 'di nawala [Pre-Chorus] Sa'yo panatag ang puso Sa piling mo 'di nanaising lumayo [Chorus] Kung iibig man ako sa'yo 'Di mag-aalinlangan na sabihin ang "oo" Kung iibig man ako, isa lang ang pipiliin Una't huling pag-ibig ko'y ikaw (Una't huling pag-ibig) ko'y ikaw (Una't huling pag-ibig) [Verse 2] Siguro nga matagal nang Nakatago ang tunay na nadarama 'Di namalayan na nahuhulog na pala Kahit kailangan kong sumugal sa pag-ibig Alam kong 'di mo sasaktan Ligtas ang puso na sa'yo nagmamahal [Pre-Chorus] Sa'yo panatag ang puso Sa piling mo 'di nanaising lumayo [Chorus] Kung iibig man ako sa'yo 'Di mag-aalinlangan na sabihin ang "oo" Kung iibig man ako, isa lang ang pipiliin Una't huling pag-ibig ko'y ikaw (Kung iibig man ako sa'yo) 'Di mag-aalinlangan na sabihin ang "oo" Kung iibig man ako, isa lang ang pipiliin Una't huling pag-ibig ko'y ikaw (Una't huling pag-ibig) ko'y ikaw (Una't huling pag-ibig) ko'y ikaw
Written by: Natasha L. Correos
Submitted by: michelleannreroma on September 23, 2022
© Lyrics.com