'Di Na Mababawi

by Alden Richards




[Verse 1]
Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang
Ang aking iniintindi

[Verse 2]
Nakatanim pa sa'king alaala
Pangako mong mananatili ka
Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito
Na ngayo'y bitin na bitin

[Chorus]
'Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya
Nagtakda at siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako'y 'yong pinaasa?

[Verse 3]
Nasa 'king guniguni, malamig mong tinig
Kasabay ng hangin na dumarampi
Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Tahimik na nagmamasid

[Chorus]
'Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya
Nagtakda at siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako'y 'yong pinaasa?

[Bridge]
Nahulog na'ng mga ulap, buwan at araw, mga bituwin
Ang ginugol na panaho'y nasaan? (Panaho'y nasaan?)
'Di ba't sayang naman? ('Di ba't sayang naman?)
Giliw, yeah, yeah, yeah, yeah

[Instrumental]

[Chorus]
Ngunit 'di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya
Nagtakda siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako'y 'yong pinaasa? (pinaasa, pinaasa)

[Outro]
Bakit nga ba ako'y 'yong pinaasa?

Written by: Sponge Cola

Submitted by: michelleannreroma on September 08, 2021

© Lyrics.com