Tiwalag

Biko

FAVORITE (0 fans)

Biko


3:43

 Become A Better Singer In Only 30 Days, With Easy Video Lessons!

Sino mang tumiwalag
Simulan nang lumipad
Palala nang palala mga nagaganap
Aba maawa ka naman
Ang pagkakalat katangahan ay laganap
Mula sa pagkabata bakit ata daming 'pinalalanghap galing sa isang aklat
'Pag sinusuway 'di ka raw nila tanggap
Kaya tanong ko lang, sino ba 'yong nagsulat?
Hindi naman nila ako masagot nang klaro
Sa mga nilalaman pa nga 'di malinaw pa'no
At mukhang malabong malinawan kung mga kinatawan, sinaulo lang
Kanilang mga alam ay pinasa't pinanindigan na lang
Sa mga dala-dalang panayam kuno
Pa'no po ba 'yan nabuo? Sino nga ba sugo
Kung higit apat na libo at tatlong daan ang mga pagpipilian
Ay, aba't nahilo't nalito na mga tao kung ano ang papanindigan
Kung kaya't mag-isip at umalam
Aking utak pagkasilip, kumalam
Bawal ba akong magduda kapag 'yon na raw kasi kaugalian ng mga nauna
Pinamumukha pa nga akong palasabat
Hindi pa ba dadapo taranta?
Bakit nakandado na sa mga
Pagtatago sa pambata na kanta,
Talatang binalandra halatang kanilang panata at kung titignan mga mulat kuno nila, grabe mangmata
Habang binubulag ka pa nga, mala-katarata
Kakasawa na, ba't ka nga ba maaawa?
Kanilang malawakang pananaw, mga tao rin ang gumawa
Para makasakop lang noon, manunuro mga nilalang 'di raw dapat na saktan
Nalimutan na, ginawa sa Mactan?
Katutubo ng maling ideya, nagkabunga ng trahedya
Bahala na, 'di na 'ko maniniwala, mga peke lang hangarin
Kung kaya't naisip kong mas pwede nang maging mahangin
Astang lobo na kung gano'n, kaysa tulad ng iba, puro nakain
Mga tupa na kayo nakulong sa kahon, dahil nasabihan ng pastol
Hanggang d'yan na lamang ang limitasyon
Kaya tanong ko lang 'di ba iba-iba sinasamba?
Ba't ang dami nagsasabi na kapag 'di ka sumunod
May parusa raw hala't 'di ka ba magtataka?

Paano 'yan? Masama pala
Kada tao sapagkat ang tama ng isa
'di raw tama sa iba, 'bang ang tama ng iba
'di raw tama sa lahat, sinasabi ang lahat ng dapat
Ginagamit lang ang takot kung kaya't
Talamak mga kurakot, nakalulungkot, bakit dito pa umabot?
Ang galing na lumunok 'pag kahibangan,
Hindi pa ba lingid? Mga nalason, tunay ngang
Naglabas ng bulaan ang mga bibig

Sila raw nautusan bawal nang tumanggi
Pwede pakitigil 'yong pagkakalat?
'la tayong palag kapag 'yong kalikasan gumanti
Mahiya sa mga balat, makinig na muna't
Sana matanggal mga agam-agam sa agham
Sinusubo na lahat, ebidensya't pag-aaral
Ba't ang hanap ay iba pa ngang tama na daan?
Kaysa maniwala sa kathang-isip lamang na sa tao rin naman galing yan
Sinasabi na mapagbigay, pero ba't halang sa pera ay kumakamkam?
Dahilan, kita raw ang kasalanan kung kaya't dapat pag-alayan
'Di ba dapat na matandaan, bago natin problemahin kung sa langit nga ba ang punta
Ba't hindi na lang harapin ang problema sa basura
Mga dagat na mabaho, mga gubat na nakakalbo
Mga hayop naglalaho, kaysa pag-usapan
Mga pagtatalo na wala naman mananalo
Away-away pa kayo, pare-pareho lang mamiminsala
Makaabot ka ngayon nang kwarenta, turing mong gantimpala
Pero kahit nga pala na pumanaw ka na bata o gurang
Ay proseso lang iyan upang maggawa ebolusyon, bilang solusyon na ang pagkawala ng Isa ay pagsibol ng iba

 Become A Better Singer In Only 30 Days, With Easy Video Lessons!

Written by: Felix Villanueva

Lyrics © DistroKid

Lyrics Licensed & Provided by LyricFind

Discuss the Tiwalag Lyrics with the community:

0 Comments

    Citation

    Use the citation below to add these lyrics to your bibliography:

    Style:MLAChicagoAPA

    "Tiwalag Lyrics." Lyrics.com. STANDS4 LLC, 2022. Web. 5 Jul 2022. <https://www.lyrics.com/lyric-lf/7795851/Biko/Tiwalag>.

    Missing lyrics by Biko?

    Know any other songs by Biko? Don't keep it to yourself!

    Browse Lyrics.com

    Quiz

    Are you a music master?

    »
    "Come as you are, as you were, as ____________."
    • A. I want to believe
    • B. I want you to be
    • C. you want me to be
    • D. you want to believe

    Free, no signup required:

    Add to Chrome

    Get instant explanation for any lyrics that hits you anywhere on the web!

    Free, no signup required:

    Add to Firefox

    Get instant explanation for any acronym or abbreviation that hits you anywhere on the web!

    Biko tracks

    On Radio Right Now

    Loading...

    Powered by OnRad.io


    Think you know music? Test your MusicIQ here!