4am in Caloocan (Freestyle)
Ryke
Become A Better Singer In Only 30 Days, With Easy Video Lessons!
Naranasan mo na bang sumulat ng biglaan Sabay record yung dahilan ay di mo malaman Siguro'y may gusto lang akong ilabas Ang hirap magpanggap na ika'y malakas Akala ng iba ikaw ay masaya Mukhang walang problema hindi ko lang pinahalata Sabi nga nila, ito ay nasa nagdadala Hirap na hirap na ko wala naman nag aalala Minsan ay gusto ko nang lisanin ang mundo Natatakot lang ako na kausapin ang sundo Baka di payagang lumingon sa mga ala-ala Para bang masaya kung nandito at buhay ka sana Hangga't maaari ay ayoko po na bumitaw Kilala akong tahimik pede ba kong sumigaw Pag natuloy ba meron bang dadalaw o lilitaw Kahit na madaan lang sana yung tipong naligaw Ng maranasan ko ulit, kung pano ba mahalin Namanhid na ko sa sakit, kahit ako'y sapakin Ano nga bang pinaglalaban mo dito at alin Ang pangarap mo ba o yung imahe mo sa salamin Alin Di ko ninais na humantong sa ganto Nahihirapan din ako Binenta ko si marlon para lang bilhin si loonie Parang simple ba pero isipin mong mabuti Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo Kaya mo bang ipaglaban ang pangarap mo hanggang sa nitso O isa ka lang sa daan daan na nagdahilan Wala daw pag-asa pero naghihintay ka ng ulan Panay ang reklamo pero wala kang ginagawa Di ka na nga nagkaron respeto pa sayo'y nawala Oo meron pero wag kang umasa sa himala Maniwala lalo sa sarili sabay tingala Pasalamat sa taas kahit na mas madalas, Ang kamalasan kesa pagpapala sanang binasbas Sakin kaya akoy alanganin na manalangin Napapagod lang pero naniniwala ama namin Hinusgahan agad hindi pa alam ang hangarin Talaga nga bang ganitong mga tao dito satin Nagdadalawang isip kung dapat pa bang tahakin Ang landas na pinili ko'y talaga bang para sakin Nakaluhod kong lalakarin kahit na hindi kumain Di matulog di maligo lahat yan inyong sumahin Bumitaw sa relasyon kahit ang tagal na namin Nakipagsagutan sa pamilya kahit palayasin Kaya wag mo kong kwestyunin man o hamakin Buhay ko ang tinaya ko para lang to mapasakin Di ko ninais na humantong sa ganto Nahihirapan din ako Pero di ko kayang bumitaw Kasi alam ko na gagawin mo Kung ako ikaw Ako ay lumuluha habang sinusulat to Alam kong kinagulat niyo dapat ay binubuhat to Problema kong pasan akin bang malalam-pasan Hanggang dito na lang ba ako o kaya hanggang saan Pasensya na hindi ko hangad ang manalo Panalo na ko nang makita niyo ko sa entablado Pasensya na hindi ko hangad ang manalo Makilala lang ako ng bawat tao dito ay panalo na ko
Become A Better Singer In Only 30 Days, With Easy Video Lessons!
Citation
Use the citation below to add these lyrics to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"4am in Caloocan (Freestyle) Lyrics." Lyrics.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 27 Sep. 2024. <https://www.lyrics.com/lyric-lf/3676011/Ryke/4am+in+Caloocan+%28Freestyle%29>.
Discuss the 4am in Caloocan (Freestyle) Lyrics with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In