close

 
basilvaldez

Nais Ko (I Want It)
by Basil Valdez



I.
Nais kong maihip ng hangin
na walang patutung’han
Parang ibong wala ring hangarin
kundi ang lumipad ng lumipad
Nais kong lumipad…

II.
Nais ko ring maagos ng alon
saan man mapadpad
Kahit na isdang mumuntiin
hangari'y lumangoy ng lumangoy
Nais kong lumangoy…

REFRAIN:
Nais kong malibot ang mundo
sa kanyang kasuluksulukan
Nais kong makita ang paligid kong
puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin
kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay
wala nang hangarin pang tunay
Nais ko… nais ko…

III.
Nais kong maulit ang buhay
kung may pagkakataon
Upang mamalas ang mga bagay-bagay
na ‘di ko natanto sa aking buhay
Nais kong maulit pa
Ulit-ulitin pa ang buhay ko

Repeat refrain& III

Nais kong mabuhay muli
Nais kong maulit muli
Ulitin muli, ulitin muli
Paulit-ulit muli…
Ito ang nais ko…Nais ko…
---
Lyrics submitted by Leonides.