close

 
1201

Nag-Iisang Bituin (Trans: The Only One Star)
by 1201



Sa lamig ng gabi
May pupuno ng puwang sa 'yong tabi
Pagmamahal ang tanging hatid
Patitingkarin ang 'yong kislap sa dilim

Malayo man, maihahatid din ng hangin
Ang mga hangarin na puno ng pag-ibig

Ang pangarap ko'y para sa 'yo, nag-iisang bituin
Laman ng puso at damdamin ko, nag-iisang bituin
Kahit san ka man dalhin ng tadhana'y dama pa rin
Dahil tayo'y nakatitig, sa iisang bituin.

Tanging hiling ng puso ko'y
Tibayan ang loob sa 'yong mga pagsubok

Malayo man, maihahatid din ng hangin
Ang mga hangarin na puno ng pag-ibig

Ang pangarap ko'y para sa 'yo, nag-iisang bituin
Laman ng puso at damdamin ko, nag-iisang bituin
Kahit san ka man dalhin ng tadhana'y dama pa rin
Dahil tayo'y nakatitig, sa iisang bituin.

Tulad ng mga tala sa langit
Ika'y magniningning...

Ang pangarap ko'y para sa 'yo, nag-iisang bituin
Laman ng puso at damdamin ko, nag-iisang bituin
Kahit san ka man dalhin ng tadhana'y dama pa rin
Dahil tayo'y nakatitig, sa iisang bituin.
---
Lyrics submitted by Patricia Kyla.