close

 
wolfgang

Mata NG Diyos
by Wolfgang



Sa pagmulat ng aking mata
Ako'y ginising ng ihip ng hangin
Ang sikat ng araw, makulay

Sa tabi ng ilog
Parang may tumatawag
Na pabulong
Ako'y lumapit
Sa puno'y may natanaw
Dumilim ang araw

Bumigat bigla ang aking dibdib
Tibok ng puso'y bumilis
Ako'y hindi mapakali
Ako'y naduduwal

Sa pagtitig ng kanyang mata
Ako'y kanyang hinusgahan
Ligaya kong naramdaman
Binawi sa akin

At hindi ko maalala
Kung saan galing ito
Mga bahid ng dugo
Dumikit sa aking mga kuko

Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
Lalamunan ko'y tuyong-tuyo
Tumakbo, lumayo sa titig mo
Sa mata ng diyos

Biglang umikot ang paningin
Liwanag ng araw, biglang dilim
Malambing na ihip ng hangin
Ngayon ay matalim

Ako'y nawala sa 'king sarili
Pati ang lupa'y gumanti
Bato't bundok at puno man
Sumisigaw, sumisigaw

At ngayon ko nakikita
Ang lahat ng kasalanan
Tinaboy sa ulan, init at kamunduhan

Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
Lalamunan ko'y tuyong-tuyo
Tumakbo, lumayo at magtago
Sa mata ng diyos
Mata ng diyos

Inalok ako ng isang ahas
Pula't matamis na mansanas
Pilit ko man, hindi makaiwas
Sa mata ng diyos
---
Lyrics submitted by Lyrics.com.
These lyrics are not available for printing.