close

 
siakol

Lakas Tama (Panibagong Tama)
by Siakol



Eto pakinggan nyo
Sobrang lakas ng tama ko
Wag n’yong pigilin ‘to,
Wag n’yong awatin, baka biglang
Sumabog ang aking damdamin

Bulag ang pag-ibig
Kasabihan na sa atin
Ngunit para sa’yo
Ang pag-ibig ko ay duling
Pagkat dalawang beses
Ako sa’yo may pagtingin
Kaytindi ng ‘yong dating
Sa puso’t damdamin
Sa tunay kong pagmamahal
Natotorpe sa’yo
Mukhang pinasukan ng daga
Ang puso kong bato
Dahil alam ko rin
Walang ibubunga ito
Natatakot akong mawala
Ang isang katulad mo

Chorus:
Lakas-tama! Ako’y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakikita ka sinta

Di ko alam ang gagawin, meron ako
Para akong mababaliw
Sa kakaisip mula gabi
Hanggang umaga
Mahal mo ba ako, tamang hinala
Tamang duda napa-praning
Wag n’yo ng hintayin ang
Paningin ko magdilim
Kung hindi ka rin lang
Magiging sa’kin
Mabuti pang maglaho kasabay
Ng hangin

Mga kama’y ko ay
Nanginginig na sa iyo
Na makayakap ka
Sa tuwing giniginaw ako
At ang iyong labi
na sa’kin ay tumutukso
Kailan mahahagkan
ng matapos na ang gulo
Sa Pagputi ba ng uwak
mo ako sasagutin?
Kung ang kulay ko nga
ay kay hirap paputiin
Ipagpatawad mo na lang
kung agad kang mahalin
Gan’to ako kung umibig
medyo napa-praning
---
Lyrics submitted by rafael lansanga.