close

 
theeraserheads



Kailan mo ako hahagkan?
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway

Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi?
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luha humahalik sa 'king pisngi

Kailan ako tatahan?
Higpit ng yakap ng 'yong dibdib
Nakatingin ako sa salamin
May guhit ang noo't mapait ang ngiti

Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi?
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luha humahalik sa 'king pisngi
[ From: http://www.elyrics.net ]

Kailan ko masisilayan
Sa araw-araw aking mahal?
Mula paggising hanggang sa pag-idlip
Kagandahan mong walang patid

Kailan mo ako hahagkan?
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway

Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi?
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luha humahalik sa 'king pisngi

Kailan ako lalaya
Sa anino ng pag-iisa?
Mga rehas lang ang tanaw
Nanginginig sa seldang maginaw.
---
Lyrics submitted by Noel Ventura.
These lyrics are not available for printing.