close

 
francism

Ito Ang Gusto Ko (This Is What I Want)
by Francis M



Mabuhay mg maayos at lubos
Magbigay sa kapwa magmahal ng taos.
Gusto kong tikman ang sarap ng buhay
Hawakan ng bukas aking mga kamay.
Makita(alin),makita(alin)
Makita ang liwanag sa gitna ng dilim.
Ayoko sa dilim, nagdidilim ang paningin
Ang kalayaang inaasam ay ibigay mo na sa akin.
Mabuhay(nang tunay), makulay (mabuhay)
Ang luhay ialay sa mga buhay na hinalay.
Ang buhay natin 'di kayang hamakin
Ipagtanggol ang karapatan natin

Katarungan(ito ang gusto ko),kalayaan(ito ang gusto ko)
Kapayapaan(ito ang gusto ko),karapatang pantao(ito ang gusto ko)
Kalikasan(ito ang gusto ko),kabataan(ito ang gusto ko)
Kaibigan(ito ang gusto ko),sa buhay kong ito, ito ang gusto ko.

Gusto kong lasapin ang tamis ng panahon
Maniwalang mahihigitan pa ba ang kahapon.
Ayokong mawalan ng pag-asa
Gusto ng masasayang alaala.
Sama-sama, sari-sari, sabay-sabay
Sabay sumasakay sa gulong ng buhay.
Mapaitaas o mapailalim
Ang tao'y nagtitipon pag tumakbo ng matulin.
Relaks ka lang at wag kumilos ng madalos
Kumilos ng maayos at umiwas na sa galos.
Iisa lamang ang ating katauhan
Bigyang kahulugan ang kasalukuyan.

(Repeat chorus)

Katarungan(ito ang gusto ko),kalayaan(ito ang gusto ko)
Kapayapaan(ito ang gusto ko),karapatang pantao(ito ang gusto ko)
Kalikasan(ito ang gusto ko),kabataan(ito ang gusto ko)
Kaibigan(ito ang gusto ko),sa buhay kong ito, ito ang gusto ko.

Katarungan(ito ang gusto ko),kalayaan(ito ang gusto ko)
Kapayapaan(ito ang gusto ko),karapatang pantao(ito ang gusto ko)
Kalikasan(ito ang gusto ko),kabataan(ito ang gusto ko)
Kaibigan(ito ang gusto ko),sa buhay kong ito, ito ang gusto ko.

Katarungan(ito ang gusto ko),kalayaan(ito ang gusto ko)
Kapayapaan(ito ang gusto ko),karapatang pantao(ito ang gusto ko)
Kalikasan(ito ang gusto ko),kabataan(ito ang gusto ko)
Kaibigan(ito ang gusto ko),sa buhay kong ito, ito ang gusto ko.
---
Lyrics submitted by Darius.
These lyrics are not available for printing.