close

 
gloc9

Ipagpatawad Mo
by Gloc-9



Ipagpatawad mo aking kapangahasan
Ang damdamin ko sanay maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo ayaw ng lumayo
Ipagpatawad mo minahal kita agad
Dika masisi na ako ay pagtakhan
Dina dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo ayaw ng lumayo

Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-matagal ko ng gustong sabihin sayo to
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-sa aking pedikab akoy maghihintay

RAP
Ng ikaw ay unang beses kong masilayan
Diko malaman bakit nagkaganito
Inutusan lang naman ako ng aking inay na pumunta ng palenket bumili ng pito pito
Sinigang sa miso
Ang ulam namin sa umaga tanghali hanpunan abutin man ng gabi
Pabalikbalik mang lumakad sa harapan ng inyong tindahan kahit wala akong pera na pangbili
Nilakasan ang loob at nilapitan kita
Baka sakaling pwede kitang maimbita
Kahit di gaanong maayos ang aking suot
Ang polo ko na kulubot
Pagkatapos akoy nagsalita
Mawalang galang na miss
Teka wag kang mabilis
Lumakad yo pwede ba kitang maihatid
Gamit aking pedikab
Na aking pinakintab
Wag ka ng magbayad sana sa akin ay bumilib
Ako ng magdadala ng payong at ng bag mo
Paligi kong pupunasan ang mga libag mo
Kahit di ako ang pinapangarap hinahanap pag kaharap ay palaging binibihag mo
Ang katulad kong maralitang umiibig at pilit na inaabot ang mga bituin
Gano mang kadaming salitang aking ipunin balutin ilihim sabihin ang tangi kong hiling
Makinig ka sana sakin...

Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-matagal ko ng gustong sabihin sayo to
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-ang aking sidecar akoy maghihintay

RAP
Halika na saking pedikab girl
Sakin mainlove girl
Ipapadama ko sayo
Habang umaandar aking pedikab girl
Laging sayo lang girl
Pagibig kona ganito
Kahit ano pang iyong gustong gawin
Kapag nababagalan ay kayang kaya ko ng pabilisin
At kahit na ano pang hirap ay diko pansin
Mga daan na matarik ay aking pipidalin
Paligin ikaw ang nilalaman ng aking isipan mapaaraw man oh mapa gabi
Dika dadaaan sa putik kaw lamang nakaukit kahit mapasaisang tabi
Sa pagsikat ng araw inaabangan kana
Makita lamang ang iyong mga magandang mata
Palagi ko dinadalangin kahit di mapa sakin ay lagi kong sinasabi na mahal kita
Pero ang buhay ay talagang napakapait
Di pwedeng sumabay ang tag ulan sa tag init
Bakit laging minamaliit
Diko pwedeng makamit ang katulad mo pilitin komang dumikit
Pasensya kana sa wallet ko na manipis
Sa mumurahing pabango na dimo matiis
At kung talagang di pwede sabihin molang sa akin asahang hinding hindi ako maiinis
Dahil tubig at langis

---
Lyrics submitted by jerome.