close

 
jeninedesiderio

Hindi Ako Si Darna (I Am Not Darna)
by Jenine Desiderio



paggising sa umaga almusal mo ay handa na
kape mo ay mainit, itlog mo'y nalaga na
damit mo ay plantsado ready pang-opisina
may konti ka pang lambing bago ikaw ay lumarga

ngunit bakit ba bigla na lang ikaw ay nagbago?
binabasahan mo na lang ako ngayon ng dyaryo
di na tayo nag-uusap, di mo na kinikibo
hindi ako iiyak ngunit bakit naluluha?

Chorus:
hindi ako si darna
wala akong lakas o kapangyarihan upang hindi masasaktan
ako ay tao lamang
taong may puso rin at damdamin
marunong masaktan......hoh baby.....yeah...

tinatawanan mo na lang pag sinasabi ko sa yo
kay lamig ng iyong mga halik, walang higpit ang yakap mo
parang ako'y bale wala na, ako'y wala ng halaga
sabi nila'y iwan kita, ngunit di ko kaya

[chorus]

hooh, baby, hindi naman laging ikaw na lang
ang lagi kong iintindihin habang ako nama'y nasasaktan
pagkat hindi ako si darna na hindi tinatablan
kailangan din ng pagtingin at pang-unawa mo sa 'kin

[chorus]

sa lahat ng tulad ko na nagmamartir din
wag mangangamba pagkat hindi kayo nag-iisa
pakinggan mo ang puso ko
ang buhay, puso ko alay ko lahat sa iyo
isa lamang naman ang hinihiling ko sa 'yo
kailangan din suklian mong pag-ibig ko

[chorus]
---
Lyrics submitted by jenine.
These lyrics are not available for printing.

---
Lyrics powered by LyricFind
written by EDMONDS, KENNETH / REID, ANTONIO / SIMMONS, DARYL
Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC