close

 
parokyaniedgar



Umiiyak ka na naman
Langya talaga wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa
Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan

May kwento kang pandrama na naman
Parang pang-tv na walang katapusan
Hanggang kailan ka ba ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga
Na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka

(Chorus):
Sa libu-libong pagkakataon nang tayo'y nagkasama
Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya
Siguro ay hindi niya lang alam ang yong tunay na halaga

Hindi na dapat pag usapan pa
Napapagod na rin ako sa aking kakasalita
Hindi ka rin naman nakikinig
Kahit sobrang pagod na ang aking bibig
Sa mga payo kong di mo pinapansin
Akala mo'y nakikinig di rin naman tatanggapin

Ayoko nang isipin pa
Di ko alam ba't di mo makayanan na iwanan siya
Ang dami-dami namang diyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita
Na lalake na magmamahal sayo
At hinding-hindi niya sasayangin ang pag-ibig mo

(Repeat Chorus)

Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagtitripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko

(Repeat Chorus)
---
Lyrics submitted by mace.