close

 
carlosagassi



INTRO
Yeah yeah yeah
This one goes out to the girl
I do not know kung kilala pa niya ako

Noon ay baduy akong manamit
Hinahamak at nilalait
Patpatin kaya payat ang katawan
Pinagtatawanan, mukhang ewan

One time, sa buhay aking nakilala
Isang chinita sa buhay ko'y nag-iba
Kapag may date kami, namimili pa
Giordano shirt, Levi's, pamorma

Nang minsan, inakbayan ko siya
Isang bestero aking nadama
Hangin pumapasok sa mangga
Kili-kili ko naman pala'y butas

At para makaiwas sa laking hiya
Dali-dali na lang akong nag-aya
Hinatid ko siya hanggang makauwi
Kahit puro taxi lang palagi

CHORUS
Dati-rati ang pangit-pangit mo, woh
Dati-rati ang kelot-kelot mo
Pero ngayong superstar ka na, nagsisisi ako
Bakit ko pa ba tinganggihan ang pag-ibig mo

So, pagdating namin sa bahay nila
Narinig ko na ang nanay n'ya
Ako'y tinataboy at ako'y inaapi
Masakit na salitang mga sinasabi

Ang sabi niya sa akin, "Oo nga, gwapo nga
Pero pursige sa buhay e wala."
Walang binatbat at walang sinabi
Kasi manliligaw niya puro di-kotse

Pero kahit nililibang, tuloy pa rin ako
Even though, dinudusta ng ina mo
At ang masakit pa, siya'y paalis
Lilipad siya papuntang US

Mabuti na lang at umabot pa ako
Sa kalupitan na tatanggapin ko
"O bakit ka pa nandito, hoy umuwi ka na!"
At never ko na raw siyang makikita

[Repeat CHORUS]

Biglang nagbago sitwasyon
Good opportunity sa akin ay umayon
Naambunan ako, sinuwerte
May sariling bahay, pera at kotse

Kasama ka sa 'Dulo ng Walang Hanggan'
'ASAP' at kung saan-saan
Contract star ng Channel 2
Bising-bisi, got a lot of things to do

Nag-iba ang tadhana, ako ay nagtaka
Biglang nagtatawag ang nanay niya
Tinanong kung kelan daw ako pupunta
Long time no see daw at miss na miss nila

Ligawan ko daw ulit ang anak niya
Nagmamakaawa, "Sige na, sige na"
Sayang at napawi ang pagmamahal ko
Dahil sa pang-aapi ng ina mo

[Repeat CHORUS]

Pero ngayong superstar ka na, nagsisisi ako
Bakit ko pa ba tinganggihan ang pag-ibig mo
[Fading]
---
Lyrics submitted by jade.