close

 
yengconstantino



Huwag ka munang magalit
Ako sana'y pakinggan
Di ko balak ang ika'y saktan
Hindi ikaw ang problema
Wala akong iba
Di tulad ng iyong hinala

Sarili ay di maintindihan
Hindi ko malaman
Ako ba ang dahilan
Ng pansamantalang paghingi ko ng kalayaan
Minamahal kita, pero kailangan ko lang mag-isa

Huwag mong isipin na
Hindi ka na mahal
Sarili ko'y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa
Ah yeah, ah yeah

Huwag ka sanang lumuha
Sana'y intindihin
Ito ang dapat nating gawin upang
Magkakilala pa
At malaman kung tayo ay
Para sa isa't isa

Wag mong pigilin ang damdamin
Sa aking pagkawala
Makahanap ka bigla ng iba ngunit
Pakatatandaan, na mahal parin kita
Pero kailangan ko lang mag-isa

Huwag mong isipin na
Hindi ka na mahal
Sarili ko'y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras
Ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa
Ay yeah

Sarili ay di maintindihan
Hindi ko malaman
Ako ba ang dahilan
Ng pansamantalang paghingi ko ng kalayaan
Minamahal kita pero kailangan ko lang mag-isa

Huwag mong isipin na
Hindi ka na mahal
Sarili ko'y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras
Ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating

Huwag mong isipin na
Hindi ka na mahal
Sarili ko'y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras
Ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating
Dalawa
Ah yeah, ah yeah
Ooh ooh ooh ooh ooh ooh
---
Lyrics submitted by Joyce.